Wednesday, November 4, 2009

Pink.

Naglalakad ka sa ilalim ng mainit na araw nang biglang maramdaman mo ang pananakit ng puson. Naiihi ka. Kung isa kang tipikal na lalakeng Pilipino, basta pader kahit walang takip na yero...Ok na sa'yo. Pero parang sinusuwerte ka ata, imbis na pader eh urinal ang nakita mo. Isang urinal na kumikintab-kintab sa ilalim ng kainitan ng araw, isang urinal na magsasalba sana sa'yo mula sa pag-apaw ng masaganang likido mula sa kupas mong  pantalon. Pero ano ito, bakit parang nagdadalawang isip ka, bakat parang may hindi nakikitang puwersa ang pumipigil sa'yo? Nakalimutan mo nabang ilang sandali na lang ay sasabog na ang pantog mo? Hindi mo mapigil...hindi ang pag-ihi kundi ang humanga at tumulala sa gilas at tikas ng urinal na nasa harapan mo. Sa urinal, sa pink na urinal na may tatak ng MMDA.


Hanga ka na sana. Akala mo unique ang urinal, na nag-iisa lang ito sa Earth...malingat lang sana ang mga taong nakatingin ay lalagariin mo yun mula sa pinaglalagyan at ibebenta sa pag-aakalang isa itong kayamanan. Ngunit paglingon mo sa kaliwa, nakakita ka ng PINK FENCE, pagtalikod mo nakakita ka ng PINK OVERPASS at pagtingala mo sa overpass ay may nakasabit na poster ni Bayani Fernando sa PINK na background. Ano ba ang nangyayari? Bakit lahat na lang ata ng makita mo sa lansangan ay kulay Pink?


Bakit nga ba pink ang kulay na ginagamit ni BF sa kung saan-saang imprastraktura? kung ano ang dahilan, si BF lang ang nakaka-alam...Tatakbo nga pala s'ya sa eleksyon, ano? Paano na lang kung manalo s'ya? Hindi na lang MMDA ang hawak ni BF kundi buo nang bansa, hindi na lang malilimitahan sa urinals, fences, overpass, posters ang maaring maging pink. Ano kaya ang magiging reaksyon mo, ng madla kapag...naging pink ang Malakanyang; ang lahat ng opisina ng gobyerno; ang kulay ng mga police vehicles at ambulansya; ang uniporme ng sang-kapulisan at kasundaluhan, paano kapag nagkaroon ng pink peso bills? Hindi kaya umangal ang mukhang ilalagay doon?...Hindi kaya wala nang sumeryoso sa Pilipinas? Paano kung maging pink country ang bansa natin? Dumami kaya ang mga 3rd sex na mag ma-migrate dito? Ano kayang lagim ang nasa-likod ng kulay pink?

P.S.

- I-add n'yo naman ako sa Facebook...haha XD

Sunday, October 25, 2009

Oo na. Tanga na ako. (basahin mo kung ano ang title ng blog na 'to)

Mula siguro noong mag-simula akong mag blog, wala pa ni isang post (sa mahigit 40) ang may kinalaman sa pangalan ng blog na ito. (Ay tanga) Mababago yun ngayon.

       Itong istoryang ito ay naganap kahapon bandang alas-onse ng umaga habang tahimik na natutulog ang mga paniki at nag-iingay ang mga askal sa labas. Dahil wala akong magawa (hindi ko naman maintindihan kung paano laruin ang farmville) napagpasyahan ko na lang na magpatugtog ng mga makabayang awitin. Ngunit nagulantang ako ng biglang sumambulat sa akin ang napaka-lakas na tunog, siguro rinig yun hanggang kabilang kanto. S'yempre, nag-iingat ako at baka masagap yun ng malakas na radar ng mga intel at ahente ng militar (baka isunod na ako kay Jonas Burgos, mahirap na.) kaya lumabas ako sa aming bahay upang tingnan kung rinig nga, hawak-hawak ko ang seradura ng pinto (habang tumutugtog ang kanta) at sa di malamang dahilan ay bigla ko itong sinara. Ang magandang balita, hindi naman pala rinig sa labas, ang masamang balita, naka lock ang pinto at naiwan ko sa loob  ang susi.

     Mga three seconds pa bago nag sink-in sa utak ko kung ano ang mga nangyari. (na nasa labas ako, walang damit pantaas at boxer shorts lang ang suot) Medyo pinawisan ako ng malapot nang maisip ko kung ano ang naganap, buti may dala akong towel. Ang una kong ginawa, pinihit ko nang pinihit ang door knob,  (umaasang hindi naman pala na lock) pero ayaw bumukas. Humanap ako ng kahit anong bagay na pwedeng isuot sa susian, nakakita ako ng clip at pinutol ko saka ipinasok...pihit-pihit-pihit, hindi gumalaw... sabay mura. "Tang ina! Sabi na nga ba eh, ginagago lang talaga ako ni Lupin, hindi pala kayang magbukas ng clip ng saradong pinto". Ang huli kong ginawa bago mawalan ng pag-asa ay ang kumatok nang kumatok sa pinto. (Baka sakaling hindi pala ako nag-iisa sa bahay at may magbukas mula sa loob) Pero walang nangyari, hinintay ko na lang na matapos ang kantang tumutugtog sa loob saka umupo at nag isip-isip, kumamot sa ulo sabay tingin sa suot kong boxer shorts.

     Sa isip-isip ko, "wat da pak! ayos lang sana kung na-lock ako sa labas basta merong maayos na damit." At saka tumingin ako sa paligid. May naisip naman akong solusyon, yun ay ang lumakad papunta sa pinsan ko at tanungin kung ano ang number ng tatay ko (wala akong kwentang anak) at para maki-text at pauwiin s'ya dito dahil "naiwan ko sa loob ang susi ng bahay." Ang dali lang sana, kaso iniinda ko nga yung get up ko. Matagal-tagal din akong nag-isip...hanggang sa naisip kong walang mangyayari kung hindi ko gagawin yun. Kaya lumakad ako ng mga 200 meters nang naka boxers lang. Buti na lang at walang gaanong tao noong mga oras na yun. At ang malupit pa, may mga limang katao akong naka-salubong na hindi ko alam kung dumanas ng parehong kasawian dahil topless din sila at naka-boxers. Sa madaling sabi, ayos din naman pala kahit paano. Pwede ko pa ngang ipagmalaki ang linyang ito mula sa isang commercial, "Are you one of us?"

   Hindi ko alam na uso pala ang ganon sa lugar namin. Kaya nakarating ako sa aking destinasyon ng wala man lang humahalakhak. Nang makita ko ang pinsan ko, tinitigan ako mula ulo hanggang paa, (pinigilan lang tumawa) kaya nagpaliwanag ako kung ano ba ang nangyari. Sabay naki-text, naghiram ng damit, naki-nuod saka naki-kain. Pagkatapos, sabi ko, uuwi na ako dahil baka dumating na ang aking ama sa bahay. Pero matagal-tagal pa pala akong tatanghod.

   Mga dalawang oras din ako naghintay. Dahil sa pagka-bagot, kung ano-anong bagay ang pinagtripan ko...nandyang kinuha ko yung dalawang suso (sa so yung stress.) at ibinilad ko sa araw, pero ayaw paring gumising kaya sinaksak ko yung soldering iron at pinaso ko sila, (hahahaha) ayun, naluto sa loob. Binigyan ko naman sila ng disenteng libing. Ayan na, dumating na ang tatay ko, galit na galit, bakit ko daw kasi iniiwan sa loob ang susi, kako, 'di ko naman sinasadya...dapat daw sinasabit ko sa leeg ko at hindi ko daw dapat hinihiwalay sa katawan ko. Mga 20 minutes na sermon pa. kesyo buti daw hindi bukas ang kalan etc. Hindi na ako nakinig...basta masaya ako at naka-balik na ako sa loob. At pinangako ko sa sarili kong hindi na yun mauulit kaya habang tina-type ko ito, naka pulupot sa kamay ko ang susi ng bahay.

Thursday, October 22, 2009

The Great Debate.

Hindi naman talaga ito debate. Alam ko namang wala ako ni sa kalingkingan ng prof. ko kung pinatulan n'ya ang kakulitan ko.

Nangyari ito sa pagitan ko at ng idol kong teacher na si Mr. Mcdonald Domingo Pascual. Dalawang beses nang na interview sa Kapuso mo Jessica Soho yang si Sir. Astig, ano?

Ganito yun nag simula, nagtanong kasi ako sa kanya.

"Sir, anong araw po ba yung Oral test natin?"

Syempre, matino ang sagot ng propesor ko.

"Ahm, baka sa Monday. Pero kung perfect attendance kayo sa play baka gawin ko nang Tuesday"

Ako naman, dahil nga gago akong estudyante, nakuha ko pang magbiro.

"Ah sir! So sa Tuesday pala ang oral exam! O, classmates narinig n'yo ha, sa Tuesday daw."

Ngumiti lang si Sir Macky sabay sabing

"Tsk. Ikaw talaga, halika nga...kakausapin kita"

Hinawakan ako sa kamay. Hindi naman mahigpit saka hindi naman tipong kinakaladkad na ako, pero tingin ko talaga ipapa-salvage na ako ng prof. ko. Hindi naman pala. Dinala lang ako sa tapat ng office ng SMK (Samahan ng Mag-aaral ng kasaysayan) saka pinangralan.

"Alam mo Jesus, dapat gamitin mo sa ayos yang talino mo. Hindi yung puro kalokohan (Nakangiti si sir habang sinasabi yan.) Ikaw pa naman ang isa sa mga kino-consider kong magagaling na product ng History department." (pero s'yempre hindi ako naniwala)

Umiral na naman ang pagka Pilosopo ko. S'yempre hindi ko naman hahayaang magkaroon ng impresyon ang teacher ko na hindi ko ginagamit sa tama ang talino ko. (kung meron man)

Sabi ko tuloy,

"Sir hindi ko naman kasalanan yun eh. Hinubog lang ako ng environment ko para maging ganito . Sabi nga ni Marx, "It is not consciousness of men that determines their being, but, on the contrary, it is their social being that determines their consciousness."

Hindi rin magpapa-talo si sir Macky,

"O, ayan ka na naman. Hindi mo ba alam na marami nang nag ki-criticize kay Marx?"

Sa isip-isip ko.

"Oo naman sir. Those staunch anti-Marxists and those rabid Capitalist Pigs. (may karugtong pa sana yan eh, Long Live the Proletariats!!!)"

Pero ito ang nasabi ko,

"Hindi sir eh"

"O kita mo na. Anong Epoch according to Marx ang maaabot bago ang Communism?"

Medyo nag-isip pa ako.

"Socialism Sir"

"O Hindi ba? Pero ano ang nangyari? Socialism palang ang narating, nagkaroon na ng mga setbacks! Kaya Obsolete na talaga ang mga katuruan ni Marx"

"Pero Sir, hindi naman kasalanan ni Marx yun eh! Kasalanan yun ng mga leader na mali ang interpretation sa Marxism! O Sige, Sir. kung lipas na talaga ang mga katuruan ni Marx, bakit hanggang ngayon ginagamit parin ang Historical Dialectical Materialism?"

"Yun lang, pero yung iba hindi na."

Sa isip ko ulit.

"Pano kaya yun? Eh Historical Dialectical Materialism is the foundation of Marx's theories"

Pero tumulala lang ako. Hinintay kong mag salita  si Sir Macky.

"Basta. Kung ako sayo, maging pragmatic ka nalang"

Tinanong ko siya.

"Sir, what is pragmatism?"

"Pragmatism is blah-blah-blah" Medyo dumugo ang ilong ko sa mga terminong ginamit nya. Sa madaling sabi, wala akong naintindihan maliban lang sa salitang "PRAGMATIC"

Bumira din ako s'yepmre.

"Hay naku Sir. Mas gusto ko pang maging Post Modernist"

Kumunot ang noo nya saka binaling sa akin ang mga salitang,

"Ang hirap sa iba, nag pro-proclaim sila na post mod. sila pero di naman nila naiintindihan. Ikaw ano ba ang meaning ng Post Modernism"

Taas noo pa ako. "The absence of a universal truth and the presence of a subjective reality." Kala ko pasok na. Hindi ata nagustuhan ni sir ang depinisyon ko, kaya sinabi na lang n'ya:

"Ang shallow mo naman." Sabay alis.

Saturday, October 3, 2009

Ibagsak!

Hindi lamang ang Imperyalismo, Burukrata kapitalismo at Pyudalismo.

Maging ang Presyo ng Stick-o; Flat tops at iba pang pangunahing komoditi. Yun na nga lang ang kaligayahan ko sa panahong hindi ako makapanood ng May bukas pa at Future Weapons tapos ipagkakait n'yo pa.
 Hindi n'yo ba alam na iligal ang ginagawa n'yo? Nagpatupad na daw ang DTI ng Price Ceiling!!!

Bakit presyo lang ng bangus ang mababa? (5 piso isang piraso, pero pwede mong pulutin sa tubig baha)

Isusumbong ko kayo. kala n'yo ha...ayaw ni Bayani ng ganyan.

-----------------------

Oo nga pala, sa nagsabing patay na daw ako at inanod na sa ilog pasig, walang katotohanan ang kanyang balita. Buhay na buhay po ako, muntik lang akong maanod pero buhay ako.

Thursday, September 24, 2009

Ang Malayang Paskilan.

repost lang 'to.

Para sa mga di nakaka-alam kung ano ang malayang paskilan, 'wag n'yo nang subukang alamin at baka magulat lang kayo. Pero kung mapilit ka naman, edi sige...Ang malayang paskilan ay isang lugar kung saan malaya (natural) kang mag-pahayag ng iyong saloobin sa pamamagitan ng pag paskil (ng mga shit na kung ano-ano) at pagsulat. Ito ay maaaring maging;

Blackboard - (Ito ang kadalasang porma ng malayang paskilan) na nakadikit gamit ang ang 5 pulgadang pako na binaon sa mga gilid (upang di malaglag, malamang.) at kadalasang masusumpungan makikita sa eskwelahan at sa lugar na maraming tao. Maari ka ditong magsulat ng mga walang katuturang bagay tulad ng mga sumusunod: Happy Birthday Gregg! (As if namang may paki-alam sila sa b-day ni Gregg, at kung sino si Gregg.) I Love Marian ( Eh ano ngayon?) at 0928******* (Pwede namang mag text na lang sa bulgar at doon i-publish ang number n'ya. tsk!)

Pero s'yempre, meron din namang naka-post dito na may kabuluhan tulad ng mga makikita mo sa baba. OO sa baba.

Join LFS! (O, diba?) 5 stages of Society (Shit. Sociology yan tol! Ginawang ED Corner ng mga tibak ang malayang paskilan, Astig!) Mga paintings (Gulat ka, ano? Oo tama ang narinig mo...nabasa pala)

Likod ng Notebook - Bakit Likod ng Notebook? Bakit hindi nalang sa harap? O sa gitna? Simple lang ang sagot, hindi mo naman gugustuhin na kapag nag-inspeksyon ng notebook ang teacher mo eh sa isang buklat palang, "Ulol ka sir *toot" at "Pakyung eskwelahan 'to!" na ang mababasa.

Ano ano nga ba ang magandang isulat sa likod ng notebook? (Sa kalagayang ito, ano-ano nga ba ang isinusulat ko?)

Simple lang.

Kamatayan sa shit na Imperyalismo! (Ang hardcore, ano?) Sinulat ko 'yan noong panahong nag ku-kuwento ang teacher namin tungkol sa mga lupain nila sa Ilocos. At tungkol sa pinaka-iingatan n'yang original copy ng Diaryong tagalog. (take note, diyaryong tagalog sa ILOKANO)

DOs and DON'Ts sa klase ni Mam Mateo - S'ya yung may amigang writer ng Erotic stories sa Tiktik.

At ang pinaka beterano sa lahat, "Sana mag time na! Shit talaga"

Pader - Nililinaw ko lang, hindi ko kayo kinukunsinte upang maghalungkat ng pentel pen at magsulat sa kung saan mang pader na madaanan n'yo. Una, nagiging malaya lamang ang magsulat sa pader kung at isang malaking KUNG...walang makakakita sa'yo. O diba? Kaya tip lang, lumingon ka muna sa likod, harap, taas at baba bago mo isagawa ang iyong maitim na balak (Pwede namang Red, Blue, depende sa gamit mong marker.) . At kung makapagsulat ka na sa kanila, congrats tol! VANDALISM na ang ginawa mo. Isa ka na sa numero unong kalaban ng MMDA.

Mga halimbawa:

"Eula, mahal na kita!" (ang sweet mo brad!)

na sinagot naman ng, "May BF na nga ako, ano ba?!" at may isa pang reply, "Eula? yung kaklase naming negra?"

"Vandalism is Autism" na tulad ng dati'y animo'y may invisible pen pal.

ni-replyan din s'ya, "Bakit ka nag-vandal? Tanga!"

"Isulong ang digmang bayan!" -KM (madugo 'yan)

At madami pa.

Pero sa kanilang lahat, itong mga vandal na ito lang talaga ang nakapukaw sa ngalangala ko.

"Hindi lahat ng laro pwedeng madaming kasali", "You don't have to be huge, you just have to be large" at ang pinaka-bulgar, "Need sexmate" ('wag pong tutularan, masyado na s'yang desperado. At aso ata talaga ang hanap n'ya)

At isa sa pinaka-sikat. Ito ang malayang paskilan na pwedeng maging billboard (walking billboard)

Likod ng kaklase mo - Dito mo talaga madadama ang kalayaan. At dito rin masisira ang samahan n'yo kung sakaling malaman ng kaklase mo na ginago mo pala s'ya. Yun eh depende naman sa nakasulat, at depende rin kung gaano kalayo na ang nalakad n'ya at kung ilang mongoloid na ang nakabasa at tumawa sa naka-paskil sa likod n'ya. OO nga pala, ang teknik para mai-dikit mo sa likuran n'ya ang papel na may nakasulat na mensahe ay ganito; habang nakatalikod ang target n'yo i-body slam mo sya...pero kunwari lang yun, dahil ang purpose mo talaga ay para madikit yung papel. Pangalawa, tapikin mo s'ya, (nakalagay sa palad mo yung papel na may tape) pero yung mahina lang. Dahil kung malakas ang pagkakatapik mo, baka masaktan s'ya at mapakamot sa likod. Mahirap na. Baka makapa yung papel...basag ang trip mo 'pag nagkataon.

Mga kadalasang ipina-paskil:

"Pogi ako, angal ka?" - Wala ngang aangal, pero lahat tatawa.

"Beware: Kilabot ng mestisa" - nilagay namin ito sa likod ng kaklase namin dati eh. 'Yan yung mga tipong nilalagay sa mga statement shirts (Kung makapal talaga ang mukha mo.)













Astig diba? Sa maniwala kayo o sa hindi. Pero dapat maniwala kayo.

Kahit mukhang napalibutan na ng scotch tape yung katawan n'ya, hindi talaga alam n'yang hinayupak na yan na may ganyang bagay na nakadikit sa likod n'ya. Pero nagdududa rin ako dun eh. Malay natin, gusto rin pala n'ya.

Pero yung ibang grabe ang pagka-sadista, hindi na gumagamit ng Papel, diretso na agad sa damit mo. Oo kaya, mumurahin ka ng nanay mo pag-uwi mo sa bahay n'yo.

Ayan, sana naliwanagan ka kung ano ang malayang paskilan.

Ano pa ang hinihintay mo? Kumuha ka na ng Marker at pumunta na sa pinaka-malapit na Pader. Ilabas mo ang lahat ng nasa loob mo. Katulad ng paglalabas ko ng mga saloobin ko sa blog na 'to.

Kayo rin pwedeng mag-paskil dito. May kwenta man o wala.

Thursday, September 10, 2009

Astig.

Habang ako'y nagliliwaliw sa bisinidad ng eskwelahan, may isang nilalang ang pumukaw ng aking kamalayan.
Hindi naman dahil maganda s'ya (Pero yun ang kadalasang dahilan).

Nakita ko kasi ang suot n'yang damit. haha. (frontless? Hindi.)

Pamilyar ka ba sa kasabihang Cognito Ergo Est?

I thing therefore I exist.

Yan yung nakita ko sa damit ni ate. Kaso, modified nga lang.

I think therefore I exist am from U.P.

Astig diba?

Monday, September 7, 2009

Ang kwento ng Gel Pen.

9:30 AM sa loob ng naagnas naming silid aralan...

Habang busy akong nag-rereview, may isang mamang naka semi-formal attire ang pumasok sa room. Nagulat nga kami dahil hindi man lang nag-paalam ang walangya. Basta na lang pumasok. Tumayo s'ya sa gitna at isinilid ang kamay sa loob ng kanyang bulsa (ang halay, ano?). Pagkalabas, ipinakita n'ya sa amin ang isang kakaibang uri DAW ng Gel Pen.

Kuyang naka-white: Mga classmates, magandang umaga!

Mga kaklase ko: Good morning din kuya!

Ako: Jose Rizal was the foremost hero of this realm because...Ah ganun pala yun! (Sa tono ng Eureka.)...Republic Act 1425. Act to Include in the Curricula of All Public and Private Schools, Colleges and Universities courses on the Life Works and Writings of JOSE RIZAL...Ito pala ang dapat sisihin. Blah-blah-blah.

Kuyang naka-white: Classmates, pwede ko ba kayong abalahin?

Mga kaklase ko: Ok po.

Ako (sa isip lang): 'naknamputsa. Inaabala mo na nga kami eh. Enlightenment was a period of relative blah-blah-blah. King Carlos the II was the king of Spain when Blah-blah-blah.

kuyang naka-white : Itong hawak ko ngayon ay isang Gel Pen. (s'yempre gel pen yan. Duh?!) At ito ang pinakamagaling na gel pen. (s'yempre ulit, ikaw ang nag-bebenta eh) Kung mapapansin n'yo, yung ibang mga Gel Pen, kapag nalalaglag...di mo na magagamit. Kadalasan namumuo yung mga tinta o Nag ba-blot.

Ako (sa isip ulit): Wow! Astig si kuya..nag ba-blot daw...teknikal na terminolohiya! Makinig na nga ako.

Kuyang naka-white: Ngayon classmates ang hawak kong ito ay gawa ng X company. Sister company s'ya ng Y company, may kredibilidad...Kung bibili kayo nito sa mga bookstore (libro ba 'yan?) aabot ang presyo ng P49. Pero kung sa akin, 15 pesos lang.

Ako: (Nadadala na ako sa sales talk ni kuya. Nakanganga na nga ako eh)

Kuya! Kuya! Ako po bibili. (sabay nilabas ko yung 15 pesos ko)

Kuyang naka-white: (Di ako pinansin. Tipo atang Big Deal ang gusto.) But wait! There's more! (Parang HSN) Kung bibili kayo ng dalawa, (sabay dumukot sa isa pa n'yang bulsa sa dibdib.) ang babayaran n'yo na lang ay 20 pesos! Buy one take one!

Ako: Ako kuya! Dalawa ang bibilhin ko. (kinapa ko ang bulsa ko at dumukot ng P50)
Binigyan ako ng dalawang gel pen. Para akong nasa langit...tinitigan ko lang ito at sabay sinubukan kong isulat. Ang sarap ng pakiramdam.

- Nakalimutan pang ibigay yung sukli ko.

Ako: Kuya! 30 ko po. (hindi narinig) Kuya! 30 ko po. (hindi parin narinig)
KUYAAAAAAAAA!!!! 30 KO POOOOO!!! Ayon narinig na.

Kuyang naka-white: Ay sorry. Eto oh. (isipin mo may inabot na 30 pesos, puro barya...)

----------------------------------------------------------

Ngayon ko lang nalaman na inuto lang pala ako nung hayop na yun. Dorobo ang walangya. P49 daw sa bookstore, nakita ko sa may labasan 10 piso lang. shit talaga.

Moral of the story:

Magpapalit muna, para hindi barya ang ibigay sa'yong sukli.
At wag intindihin ang mga nilalang na pumapasok sa loob ng silid aralan. Pinadala sila ng prof. mo para i-divert ang attention n'yo para hindi ka makapag-review. Nagtataka ka kung bakit? Simple lang, dahil nangako s'ya na ang magaling na maka-perfect ng kanyang midterm ay i li-libre n'ya sa kahit anong restaurant.

Mukhang epektib nga.